You are now at Victory Giving Site
OK

June 27, 2020

To our Every Nation family in the Philippines,

This year has been challenging and faith-building for us all. We started the year trusting God's Amazing Grace for us and, shortly after the prayer and fasting week, we've been bombarded with one challenge after another: the Taal Volcano eruption in January, the COVID-19 health crisis, and now an economic crisis and mounting social unrest. Since March, our worship services and discipleship meetings have been online, and we're longing and preparing for the day when we can meet with you again face-to-face. We are all in a faith journey like Abraham, who faced the brutal facts while not giving in to unbelief. We remain convinced that God is faithful and able to do what He has promised (Romans 4:19–21). This crisis will surely cause our faith to grow like Abraham. His journey lasted twenty-five years, and I sure hope ours won't be as long.

While our ministry landscape has changed, I assure you that our mission remains the same. God's kingdom continues to advance, even in a pandemic.

The Mission Continues
Our churches and ministries continue to declare and demonstrate the gospel. We are seeing people saved, discipled, and growing deeper in their relationship with Jesus.

Relational discipleship is alive and well even online. Across the nation, people are meeting their Victory groups online, starting new Victory groups with friends and family members, going through ONE 2 ONE together, worshipping God and hearing His word every week, praying for one another, interceding for our nation, getting connected to a church community, hanging out after the service in smaller online groups, participating in Victory Weekend and Purple Book classes, and being equipped to minister. Even discipleship among kids is growing online!

Through #GoodNews2020, our churches across the Philippines have served affected communities, stranded students and Overseas Filipino Workers, and frontline workers in forty provinces to demonstrate the gospel.

We continue to support and offer scholarships to over 600 bright and deserving underprivileged youth through the Real LIFE Foundation. The scholars and their families are well taken care of by Victory churches across the nation, with monetary support, relief goods, and coaching. This year, we also opened 10 new centers and will be accepting 350 new scholars.

No matter what happens around us, we remain committed to church planting, campus ministry, and world missions. It is truly an extraordinary time for the church to be salt and light in the Philippines and every nation.

Navigating Reality
However, in the midst of this, the ministry has not been exempt from the global financial challenges of the crisis. In the Philippines alone, over 100,000 companies were temporarily closed or implemented a reduction in workdays, and so many are on a “no work, no pay” policy. Over 3,000 institutions filed for permanent closure, redundancy, or retrenchment. The financial forecast is long-drawn, and the projection of recovery from recession is uncertain.

To continue to steward our mission faithfully, we have had to make painful but necessary decisions. From the start of the pandemic, while we exercised faith and trusted God to intervene, we realized the need to take immediate action. Every step of the way, we considered how best to look out for our pastors, missionaries, and staff. These decisions in the last four months have been some of the hardest we have ever had to make.

  • In March, we readjusted budgets and brought expenses down to the bare minimum.
  • In April, we reduced work days across the board, resulting in salary cuts.
  • In May, we offered early retirement to eligible pastors and staff.
  • This month, we made the painful decision to reduce our workforce by 30% as a response to the changing ministry landscape. We have seen the need to reorganize and streamline operations.

Throughout these decisions, we are working with our pastors and staff to help them prepare for new jobs and build new sources of income. Training, coaching, and connections to possible employers are being made available.

Moving Forward Together
Personally, I have wrestled with and grieved over these decisions, and yet I have also been amazed at the faith-filled response of our pastors and staff. I want to honor and commend their posture of gratitude, sacrifice, and commitment to the mission, evident in their years of fruitful service. I am incredibly grateful and humbled to walk and work with such godly men and women. And while the situation may necessitate a change of employment for some, I believe their calling and commitment to honor God and make disciples continues—wherever they go and however they serve. In fact, the pastors who have taken the early retirement will continue to serve as pastors in Victory. Though their official employment with us is coming to an end, their calling to shepherd God's people remains, and they'll continue to serve with us. Like the apostle Paul, even though he was a tentmaker, he was a pastor and apostle, planting churches, and advancing God’s kingdom.

None of us started the year thinking this would happen. We never thought we’d face a global crisis in our lifetime of this magnitude. This has been an extremely difficult journey for everyone, but I also believe this crisis has presented an opportunity for us to go back to the core of our movement. We have thrived through the years largely because of the faithful and dedicated service of our volunteers and Victory group leaders. As members of Christ's body, we each have a part to play in making disciples and serving the church. This is true whether we are in business, at home, in school, or in any industry or field, and most of us do this as willing and sacrificial volunteers. In fact, most of our pastors, missionaries, and staff members started out as volunteers before we came on board full-time. Therefore, while the crisis may cause some of us to work outside the ministry, we are all still very much part of the mission—as pastors, missionaries, full-time staff, or volunteers.

To those who’ve served with us on staff and are taking early retirement or are part of the workforce reduction program, we want to thank you for your service, sacrifice, and heart for God. May God bless you with His favor, provision, and amazing grace. May He open doors for you that no one can shut, and may we continue to walk and serve together in the years to come.

To those staying on as full-time staff, we are grateful for your service and willingness to go the extra mile. As we streamline and reorganize, we will all have to be flexible in our roles and work assignments. We are looking forward to seeing how we will continue to fulfill our mission together in this new landscape.

To our ministry partners, thank you for faithfully and generously holding the ropes with us so we can bring the gospel to every campus and every nation.

To our Victory church family across the Philippines and in Every Nation, we long for the day when we can see you again and worship God with you. We are who we are largely because of your dedication, commitment, and service. Thank you for remaining committed to God and for declaring and demonstrating the gospel. May God continue to bless you and keep you, may you remain steadfast in Him, and may you continue to honor God and make disciples.

A lot of things might remain uncertain, yet God surely has a plan and purpose for His people: “For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope” (Jeremiah 29:11). This promise was given to God’s people at a time when they were exiled in Babylon and experiencing uncertainty and difficulties. God spoke this through the prophet Jeremiah as an assurance that His promise to them still stands. As we go through this crisis together and are pruned in the process, God’s promise brings comfort and hope for a bright future. 

Let us remain faithful to Him and continue to do our part in advancing God’s kingdom together!

 

Pastor Gilbert Foliente
President, Every Nation Philippines

Hunyo 27, 2020

Para sa ating Every Nation family sa Pilipinas,

Ang taon na ito ay puno ng pagsubok at pagpapatatag ng pananampalataya para sa ating lahat. Sinimulan natin ang taon nang may pagtitiwala sa Dakilang Biyaya ng Diyos para sa atin, at pagkatapos ng isang linggong pananalangin at pag-aayuno, sunod-sunod na ang mga pagsubok na kinaharap natin: ang pagputok ng Bulkang Taal noong Enero, ang krisis sa kalusugan na dala ng COVID-19, na ngayon nga ay isa ng krisis sa ekonomiya at nagdadala ng lumulubhang pagkabahala sa lipunan. Simula noong Marso, ang mga lingguhang pagsamba at pagdidisipulo ay nagaganap na online. Pinananabikan at pinaghahandaan natin ang panahon na maaari na tayong muling magkita-kita. Lahat tayo ay nasa isang paglalakbay na tulad ni Abraham, na humarap sa mga marahas na katotohanan nang hindi nagpatalo sa kawalan ng pananampalataya. Nananatili tayong matatag sa paniniwalang ang Diyos ay matapat at may kakayahang tuparin ang Kanyang ipinangako (Mga Taga-Roma 4:19–21). Tulad ni Abraham, tiyak na patatatagin ng krisis na ito ang ating pananampalataya. Ang paglalakbay niya ay tumagal ng dalawampu’t limang taon. Ako ay umaasa na ang ating paglalakbay ay hindi magiging kasing tagal.

Bagama’t ang larawan ng ating pagmiministeryo ay nagbago, tinitiyak ko sa inyo na ang ating misyon ay hindi magbabago. Ang kaharian ng Diyos ay patuloy na uusad, maging sa gitna ng pandemic.

Ang Misyon ay Nagpapatuloy
Ang ating mga iglesya at paglilingkod ay nagpapatuloy upang maipangaral at maipakita ang ebanghelyo. Nakikita natin ang kaligtasan, pagdidisipulo, at paglalim ng ugnayan ng mga tao kay Jesus.

Ang personal na pagdidisipulo ay buhay na buhay online. Sa buong bansa, nagkikita-kita online ang mga Victory group, nagsisimula ang mga bagong Victory group kasama ang mga magkakaibigan at magkakapamilya, at ang karamihan ay nagpapatuloy sa ONE 2 ONE, sumasamba sa Diyos, nakikinig sa Kanyang salita tuwing linggo, nananalangin para sa isa’t isa at sa bayan, nakikipag-ugnayan sa isang komunidad ng iglesya, nagkikita-kita sa maliliit na grupo pagkatapos ng online service, nagiging bahagi ng Victory Weekend at Purple Book class, at nagsasanay para maging handa sa pagmiministeryo. Maging ang pagdidisipulo ng mga bata ay nagaganap online!

Naipakita ng ating mga iglesya ang ebanghelyo sa pamamagitan ng #GoodNews2020, kung saan tayo ay nakapaglingkod sa mga apektadong komunidad, mga estudyante at Overseas Filipino Worker na hindi makauwi, at mga frontline worker sa apatnapung mga probinsya sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Patuloy tayong sumusuporta at nagbibigay ng mga scholarship sa mahigit na 600 na matatalino at karapat-dapat na mga kabataan sa pamamagitan ng Real LIFE Foundation. Ang mga scholar at ang kanilang mga pamilya ay pinangangalagaan nang mabuti ng mga iglesya ng Victory sa iba’t ibang lugar sa bansa, sa pamamagitan ng tulong pinansyal, pagbibigay ng relief goods, at coaching. Ngayong taon, nagbukas tayo ng 10 mga bagong center at tatanggap ng karagdagang 350 na mga scholar.

Anuman ang mangyari sa ating paligid, ipagpapatuloy natin ang church planting, campus ministry, at world missions. Tunay ngang ang kasalukuyang panahon ay nagbibigay sa iglesya ng natatanging pagkakataon upang magsilbing asin at ilaw sa Pilipinas at sa lahat ng bayan.

Pagharap sa Realidad
Sa kabila nito, ang ministeryo natin ay hindi nakaiwas sa pinansyal na krisis na kinakaharap ngayon ng buong mundo. Sa Pilipinas pa lamang, mahigit sa 100,000 na mga kompanya ang panandaliang nagsara o kaya ay nagbawas ng oras ng pagtatrabaho, at marami rin ang nagpatupad ng “no work, no pay” na patakaran. Mahigit 3,000 na mga institusyon ang tuluyan nang nagsara o kaya ay nagbawas ng mga manggagawa. Tinatayang tatagal pa ang pinansyal na sitwasyong ito, at ang inaasahang pagbawi ng ekonomiya ay walang katiyakan.

Upang patuloy tayong maging matapat sa ating misyon, kinakailangan nating gawin ang ilang masasakit na mga desisyon. Sa simula pa lamang ng pandemic, habang patuloy tayong nananampalataya at nagtitiwala sa Diyos, nakita na namin na kailangang gumawa ng mga agarang solusyon. Sa bawat hakbang, isinaalang-alang natin ang pinakamabuti para sa ating mga pastor, misyonaryo, at staff. Ang mga desisyong ito nitong nakaraang apat na buwan ang ilan sa mga pinakamahihirap na desisyon na kinailangan naming gawin.

  • Noong Marso, isinaayos namin ang aming budget upang masiguro na ang aming mga gastusin ay bumaba nang labis.
  • Noong Abril, binawasan namin ang oras ng trabaho para sa lahat ng pastor at staff na nagdulot ng bawas sa suweldo.
  • Noong Mayo, inalok namin ng early retirement ang mga pastor at staff na maaari nang makatanggap nito.
  • Ngayong buwan, ginawa namin ang napakabigat na desisyon, ang magbawas ng 30% ng aming workforce bilang tugon sa nagbabagong larawan ng ating ministry. Nakita namin na kailangan ng pag-reorganize at pag-streamline ng ating mga operasyon.

Sa lahat ng mga desisyong ito, nakikipag-ugnayan kami sa mga pastor at staff upang matulungan silang makapaghanda para sa mga bagong trabaho at makapag-taguyod ng bagong mapagkukunan ng kabuhayan. Nagbibigay tayo ng pagsasanay, coaching, at mga ugnayan para sa kanila.

Sama-samang Pagsulong
Ako ay nababagabag at nalulumbay sa mga desisyong ito, ngunit ako rin ay labis na namangha sa pananampalatayang ipinakita ng ating mga pastor at staff. Nais ko silang parangalan sa kanilang pasasalamat, pagsasakripisyo, at pagiging matapat sa misyon, na makikita sa ilang taon nilang paglilingkod. Lubos akong nagpapasalamat at nagpapakumbaba na nakilala at nakasama ko sila sa trabaho. At bagama’t ang sitwasyon ngayon ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng bagong trabaho para sa ilan sa kanila, naniniwala ako na ang tawag at katapatan nila sa ating misyon na “Honor God. Make Disciples.” ay magpapatuloy—saan man sila magpunta at sa paanong paraan man sila makapaglilingkod. Sa katunayan, ang mga pastor na tumanggap ng early retirement ay magpapatuloy sa paglilingkod bilang mga pastor ng Victory. Kahit magtatapos na ang kanilang pagiging opisyal na empleyado, nananatili ang tawag sa kanilang buhay na maging pastol ng mga mamamayan ng Diyos, at patuloy silang maglilingkod kasama natin. Tulad ni apostol Pablo, bagama’t siya ay isang tentmaker, siya ay naglingkod bilang isang pastor at apostol, nagtatag ng mga iglesya, at nagpasulong ng kaharian ng Diyos.

Walang sinuman sa atin noong simula ng taong ito ang nakaisip na ang lahat ng ito ay mangyayari. Hindi natin naisip na sa buhay na ito, kakaharapin natin ang ganito kalaking pandaigdigang krisis. Ang paglalakbay na ito ay mahirap para sa ating lahat, subalit naniniwala rin ako na ang krisis na ito ay nagbukas ng pagkakataon upang balikan natin ang natatangi nating lakas at pagkakakilanlan bilang iglesya. Tayo ay lumago dahil sa matapat at masigasig na paglilingkod ng mga volunteer at Victory group leader. Bilang bahagi ng katawan ni Cristo, lahat tayo ay may kani-kaniyang gagampanan sa pagdidisipulo at paglilingkod sa iglesya. Ito ay totoo, tayo man ay nasa larangan ng pagnenegosyo, nasa tahanan, nasa paaralan, o nasa anumang larangan o industriya, at karamihan nga sa atin ay ginagawa ito bilang mga volunteer, nang may kagalakan at pagsasakripisyo. Sa katunayan, karamihan sa ating mga pastor, misyonaryo, at staff ay nagsimula bilang mga volunteer bago sila naging full-time na empleyado. Dahil dito, bagama’t ang krisis ay naging dahilan upang ang ilan sa atin ay magtrabaho sa labas ng ministry, dapat nating alalahanin na lahat tayo ay bahagi ng misyon—bilang mga pastor, misyonaryo, full-time staff, o volunteer.

Sa mga naglingkod kasama namin bilang staff na naging bahagi ng early retirement o ng workforce reduction program, nais namin kayong pasalamatan sa inyong serbisyo, sakripisyo, at pagmamahal sa Diyos. Nawa ay pagpalain kayo ng pabor, probisyon, at biyaya ng Diyos. Nawa ay bigyan Niya kayo ng mga pagkakataon na hindi mahahadlangan ninuman, at nawa ay magpatuloy tayo sa pamumuhay at paglilingkod nang sama-sama sa mga darating pang taon.

Sa mga mananatili bilang full-time staff, kami ay nagpapasalamat sa inyong paglilingkod at kahandaan na gawin ang higit pa sa karaniwan ninyong ginagawa. Sa ating pag-streamline at pag-reorganize, kakailanganin nating maging handa sa mga bago nating gagampanang tungkulin at trabaho. Pinananabikan naming makita kung paano natin sama-samang maipagpapatuloy ang ating misyon sa bago nating sitwasyon.

Sa ating mga ministry partner, maraming salamat sa inyong tapat at bukas-palad na pagtulong sa amin upang maihatid ang ebanghelyo sa bawat campus at bawat bayan.

Sa ating Victory church family sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at sa Every Nation, pinananabikan namin ang makita kayong muli at makasama sa pagsamba sa Diyos. Narating natin ang puntong ito dahil sa inyong dedikasyon, katapatan sa ating layunin, at paglilingkod. Maraming salamat sa pananatiling tapat sa Diyos at sa pagbabahagi at pagpapakita ng ebanghelyo. Nawa ay patuloy kayong biyayaan ng Diyos, manatili sa Kanyang pangangalaga, maging matatag sa Kanya, at magpatuloy sa ating misyon: Honor God. Make Disciples.

Marami pa ring bagay ang walang katiyakan, subalit tiyak na may plano at layunin ang Diyos para sa Kanyang mga mamamayan: “Alam ko kung paano ko tutuparin ang mga plano ko para sa kabutihan n'yo at hindi sa kasamaan n'yo, at plano para bigyan kayo ng pag-asa na magkaroon kayo ng mabuting kinabukasan” (Jeremias 29:11)Ang pangakong ito ay ibinigay sa mga mamamayan ng Diyos nang sila ay ipinatapon sa Babilonia at dumaranas ng kawalan ng katiyakan at mga paghihirap. Sinabi ito ng Diyos sa pamamagitan ni Jeremias upang magbigay katiyakan na tutuparin Niya ang Kanyang pangako. Sa sama-sama nating pagharap sa krisis na ito, ang pangako ng Diyos ay nagdadala ng pag-asa tungo sa isang magandang kinabukasan. 

Manatili tayong matapat sa Kanya at sama-sama nating palaganapin ang kaharian ng Diyos!

 

Pastor Gilbert Foliente
President, Every Nation Philippines